ang sitwasyon at pinagdadaanan ng isang kaibigan.
Dear Doc,
Hindi po ako iyong type na vocal pero heto ako’t nakapaghugot ng sapat na lakas ng loob upang magsulat po sa inyo.
Ayaw ko talagang magsulat pero dahil na nga rin sa matinding bugso ng damdamin at nararamdaman kaya’t di ko na rin nagawang pigilan pa. Nawa’y makapagbigay po sana kayo ng magandang advice para sa sitwasyon ko ngayon.
Meron pong isang third year student dito sa aming university na hindi ko maalis-alis ang aking paningin at nakakasalubong ko po sya every time. May pagkakataon din po na palagi kaming nagkakasabay pagkatapos ng aking klase simula nung first sem pa dahil iisa lamang po kasi kami ng building. Siya po ‘yong tipo na mahirap hindi mapansin, hindi naman siya ganun kasikat pero talagang nakukuha nya po ang atensyon ko doc. May pagkakataon din na mas nakilala ko pa po sya dahil may mga mutual friends po pala kami. May mga times din po na nagkakasabay kaming kumain nun sa kainan, sa ibang table siya kasama ng mga kaibigan niya habang pasulyap-sulyap lang ako. Minsan nga rin natutukso ako ng mga kaibigan ko sa kanya twing nadadaanan namin siya pero di ko nalang pinapansin. Gusto ko pa po siyang mas lalong makilala pa ngunit natatakot akong iadd siya sa facebook kaya hanggang stalking nalang ako. Pero di ko man sya magawang iadd, nagkakausap naman kami thru sms.
Masaya na sana doc kaso heto po ang aking problema: meron po akong kaibigan na kahit papano’y naging close ko na rin. Ang problema eh hayagan ang kanyang pagsabi na crush niya rin yung taong gusto ko at para bagang gumagawa siya ng kanyang mga “moves”. Napakaopen nya sa kanyang nararamdaman sa kanya habang ako’y nasa gilid-gilid lamang at nakatikom ang bibig. Halos ang mga nakakasabayan kong mga kaibigan ay tinutukso na sila habang ako’y tahimik lang na nakikinig sa tabi. Hindi ko po gusto ito, para kasing may lumalabas na mang-aagaw/ahas. Pero ayoko pong magkaroon ng gulo kasi kaibigan ko po siya.
Iyon doc, di ko po alam ang aking gagawin. Gusto ko po talaga siya kaso iyong kaibigan ko may gusto rin sa kanya, eh wala po akong balak na sabihin sa kaibigan ko na pareho pala kami ng taong nagugustuhan. ito po ang aking sitwasyon. Sana po matulungan mo ako.
Maraming salamat doc. maghihintay po sa ako sa inyong reply.
-doggy








