MGA PARAAN PARA HINDI MAISIP ANG EX.

Mahirap kung sa mahirap. It really takes a lot of time para makalimutan ang isang taong minsang naging parte ng buhay natin.
Oras at panahon ang pinakapundasyon para makalimutan ang isang tao. Maliban jan, ano ano nga ba ang mga paraan para hindi na maisip ang isang tao na naging parte ng nakalipas natin?

  1. Lumabas kasama ang mga barkada/kaibigan mo.
     
    – Madalas naman talagang nakakawala ng problema kapag ang mga kaibigan mo na ang ksama mo. Pakiramdam mo nawawala ang problema mo kapag kasama mo sila.
  2. Kumain but be moderate.
     
    – Kung baga, dahan dahan lang sa pagkain. Pero wala namang masama kahit isang araw kang magpakalimo sa pagkain. Di ka naman siguro tataba ng ganung kabilis. Tandaan, dahan dahan lang sa pagkain kain.
  3. “Bakit nauso pa ang Social Networking Sites?”
     
    – Oo nga naman. Bakit nauso pa yan? Kung magmumukmok ka lang naman pala sa isang tabi para isipin yang ex mo. Nanjan ang Facebook, Twitter at…. Blogspot (lol).
  4. Subukang lumandi.
     
    – Walang mangyayari sa’yo kapag hinayaan mong umikot ang mundo mo sa mundo nya. Parang ganto lang yan, hinayaan mong umikot ang mundo mo sa isang tanga.
  5. Makinig ng mga malulungkot na kanta.
     
    – Maraming nagsasabi na “wag daw tayo makikinig ng malulungkot na kanta.” Kasi maaalala lang daw natin ang mga ex natin. Yes, a sort of. Pero hindi rin. Bakit? Dahil marerealize natin sa mga kanta na yan kung anong worth natin as a person. Siguro sa una maiisip at maaalala mo sya pero someday mawawala rin yang nararamdaman mo sakanya.

Tulad nga ng sinabi ko, it takes a lot of time para makalimutan ang isang tao naging parte ng buhay mo. Lalo’t lalo na kung nagtagal talaga at nagmahalan kayo.
Isipin nyo naman, kung mahal talaga kayo ng taong yan hahanap at hahanap yan ng paraan para ipaglaban ang relasyon nyong dalawa. Ang tanong, ipinaglaban ka ba? O ikaw lang ang nakipaglaban? Ang pangit diba.
Ang magagawa lang natin ay ang maghintay lang para sa tamang oras at tamang panahon.

2 thoughts on “MGA PARAAN PARA HINDI MAISIP ANG EX.

  1. i agree lilipas din ang katangahan ko para sa isang lalaking ndi karapatdapat sa pagmamahal ko …makakalimutan din kita at pag nanyari un mag bibigti ako …. joke!!

    Like

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started