PAANO MAGMAHAL ANG ISANG PINOY?

Sabi nga nila, isa sa pinakamasarap mahalin ay ang isang Pinoy. May mga katangian tayong Pinoy na wala ang ibang tao o ibang lahi. At sa tingin ko yun ay ang, walang kapantay tayong mga Pinoy kung mag-mahal.
Ano nga ba ang mga katangian at rason para masabi nating masarap magmahal ang mga Pinoy?

  1. Malambing tayong mga Pinoy.
     
    – Alam mo yung mga tipong holding hands while walking, pupunasan mo ang pawis ng boyfriend mo o hahatiran mo ng pagkain ang girlfriend mo. Ganyan tayo ka-sweet at ka-lambing.
  2. Halos ibigay natin ang lahat-lahat kapag nasa isang relasyon tayo.
    – Minsan, kahit masaktan pa tayo mabigay lang natin ang kaya nating ibigay sa isang relasyon, gagawin natin.
  3. Marunong tayong mag-sakripisyo.
     
    – Hindi tulad ng ibang lahi, tayong mga Pinoy mag-sasakripisyo tayo para lang sa ikabubuti ng relasyong meron tayo.
  4. Maalaga tayong mga Pinoy.
     
    – Alam mo yung tipong, hatid-sundo natin ang mga girlfriend natin sa bahay nila. O kaya man, pagpawisan lang ang boyfriend mo mula sa basketball game nya pupunasan mo na ang pawis nya. Ganyan tayong mga Pinoy kung mag-alaga.

Kita nyo na kung gaano tayo kasarap mag-mahal? Kung tutuusin kulang pa ang mga dahilan na yan para masabi natin kung gaano tayo kasarap magmahal.
Pero ang pinakatatandaan natin na, lahat ng sobra nakakasama. Lagyan ng limitasyon at hangganan ang relasyon. Malaman dapat natin ang tama sa mali, at syempre marunong tayong magtira ng konting pagmamahal para sa sarili natin.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started