Sa Ugoy ng Duyan

 
Ang tanong:
If you’re given the chance to travel back in time, what event in the past will you visit first?

Ang Sagot: 
Childhood. Ang lahat ng pangyayari sa aking kabataan. Ang aking kamusmusan; ang mga masasayang sandali ng simpleng buhay sa piling ng aking – minsa’y kinainggitang – ulirang pamilya.
Back when I was I child, before life removed all the innocence, ika nga ng isang kanta ni Luther Vandross. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil napagtanto kong hindi pala lahat ng tao ay nakakaranas ng kamusmusan.
Oh, kaysarap bumalik sa nakaraan. Ang family bonding – ang kainin sa labas kasama ang buong pamilya at ang free ice cream spree that I get to enjoy. Ngayo’y naglaho na. Krisis sa pera, krisis sa pamilya – grabe naman talaga oo, laki ng impact ng sinasabing recession. Hay buhay.

Iiwanan ko kayo ng isang kanta. *classic. Brings back the old times


Sa Ugoy Ng Duyan

Lucio San Pedro


Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! inay


Credits to Mr. Rowie Tokie


Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started