Matapos ang ilang taon, muli akong nagbabalik. Matagal na rin mula nung huli kong entry sa blog. Naaalala ko ang aking unang blog site at ang aking unang blog entry. ‘So its a frist’ sabi dun. Mga paniniwala, mga idea, mga pananaw at mga saloobin. Ang lahat ng yun ay nakasulat sa friendster blog ko na sa anumang kadahilanan ay hindi ko na magawang maaccess pa. Nakakapanghinayang. *Sigh
Â
Â
In the beginning. High school ako nun ng mapagdesisyonan kong magsimula ng blog. “Wala lang. To make use of my time”, ika ko sa sarili ko. Sa blog ko naipapalabas ang aking mga hinaing at mga saloobin. Hindi ko kasi magawang maging verbal, expressive kumbaga, sa aking mga nararamdaman. Hinayaan ko nalang tangayin ng aking kamay ang ballpen at isulat ang lahat sa papel. Lumilipad ang aking isipan, kung saan saan nakakarating, kung saan saan napapadpad.Â
At ngayon, nagbabalik ulit ako. Para isulat muli ang mga bagay na gusto kong ikwento. Pero may bahid ng pagkabahala kasi nga raw , “What you put to the web, stays in the web. It becomes a public property.” Tsaka baka umandar na naman topak ko. Katamaran. Oo nga naman. Don’t you hate gaps? yong tipong napuputol ang entries kasi for some reason tinopak ka sa pagsulat o di naman kaya’y di gumagana ang iyong train-of-thoughts? Magkagayon man, I’ll get this keyboard working 🙂
galing tol., hehe
LikeLike
thanks tol. hehehe.. try to read some of my other posts in here pud.. something new to read. hehe.. Godbless 🙂
LikeLike
Gusto mo ba ng online work? Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
LikeLike